KAHAPON ♥
Binuo ni R*** araw ko. Pinaglihi sa puzzle? Ganito kasi. Galing kami ni Sindy sa labas, bumili ng favorite niyang Simple Line. And then, nung naglalakad na kami papuntang lobby ng AB building, may narinig akong may bumati sakin na: “Hi Kaye!”. Nung pagtigin ko sa harapan di ko agad nakita kung sino. At narealize ko na lang na… O.M.F.G.
Si R*** pala.
Grabe. Nasabi ko lang: “Ui, hello.” sabay yuko. HALATA BA? :| Halata bang crush ko siya? Nagulat ako ehh. Ang layo layo pa niya nung binati niya ko. Tapos ang lakas pa ng boses. Tapos ang ganda ng aura niya. Iba ayos kahapon. That was the first time I saw him na naka wax at nakaayos ang buhok. Alam niya sigurong magkikita kami. Hahaha biro lang, duh! Pero seryoso. ang gwapo niya kahapon. The best. :)
Pagkatapos nun. Di na ko nakapagreview ulit. Nadistract ako eh, bakit ba? Haha. Wala na kong naisip kundi yung moment lang na yon. Sabi ba naman ni Sindy paget daw si R** >.< Okay, di nga siya gwapo, pero pag nakita mo yung mata at yung smile, grabe. Sobrang charming. Yun nagustuhan ko eh. Saka mabaet naman. :)
Pero bakit after ko isulat to dito, nawala na yung KV? Hahaha imba :))
Affected ako. Pa rin. Kala ko kasi, siya. Hayss. Okay. Delete deete.
Sinulat ko lang to para makapagrelease. :))
Oo, ikaw. Di naman pala kita inunfollow. Nagdeactivate ka tas gumawa ka ulet ng bagong Tumblr account. Di mo man lang ako naalalang i-follow :(
Etong araw na to, sobrang nakakapagod. :| Eto sched ko:
7am - 9am Social Dance
9am - 11am Free Time (internet sa library)
11am - 3pm Class Hours
Pero eto. Supposedly, 11am to 3pm yung klase ko. Gaah, secret lang to ah. Nagcut ako ng Theology class. Wah, Theology pa talaga eh. lol. So this is what happened, nagpasama si Superfriend na pumunta ng Pambansang Museo para tignan yung Spolarivm para sa Art class niya. Sinamahan ko naman siya kasi gusto ko rin talaga makapunta dun. Kaya nagcut ako para di gabihin. Eh ang kaso, traffic graaaabe, teh! Haha, eh hindi pa namin alam kung saan exactly yung Nat’l Museum kaya ayun, napalakad kami ng “mejo” mahaba.
Muntanga lang kasi pareho kaming walang alam sa lugar na yon, hahaha. May time pa nga na tumawid kami tapos nung nasa kalagitnaan na ng daan, nagsiandaran na mga kotse. Back offf!!! Buti na lang nahila ko kamy niya kundi dead kame pareho. Hahaha.
Then going back, ang haba ng nilakad namin. Ang lake pala ng Nat’l Museum? Eh loka, meron ba namang museong maliit? Oo, meron yung nasa USTe, maliit lang naman yun ah? HAHA. Tas pagpasok namin, libre yung entrance. Pero diba dalawang buildings yung Nat’l Museum? Yung walang bayad yung pinuntahan namin. Haha, kala ko nga may bayad na 30 php. Sa kabila daw pala yun.
So ayan, nakapasok na kami sa “Hall of Masters”. Nandun yung mga paintings nina Hidalgo at Luna. Grabe ang laki pala ng Spolarivm O.o imba. Nung nilipat daw yun from Spain, kinailangang hatiin sa 3 parte kasi nga sobrang laki. Parang billboard. :) Sayang nga eh, di namin nalibot lahat. Kapos na kasi sa oraas.
After nun, dumaan pa kaming DLSU para ipapalit yung ticket ni Gab sa play na papanuorin niya. Then ako maghihintay sa National Bookstore. Sakto nung papunta ko dun, nakita ko sila Enteng saka Aldrin, hiniihintay nila si Charles. Maya maya, may mag-approach saming mga students na mangiinterview. Ewan ko, thesis ata nila? Tapos ang mga tanong, about dun sa nga street vendors, tas kung bumibili daw ba ko sa kanila, mga tipong ganun. Naka-video pa! lol. San ka pa. Haha. Imba talaga.
Then ayun, dumating na nga si Gab na badtrip kasi di na daw pala pwedeng palitan yung ticket. Hahaha nabadtrip siya eh :P daat aalis na kami kaso sabi ni Enteng hintayin na daw namin si Kistine. So hinintay namin. NagLRT kami. Tapos yung mga trains na dumadaan, grabe parang sardine can lang eh. Siksikan talaga. Friday nga naman tas rush hour pa. Nung nakasakay na kami, saka lang namin nsaabi sa mga sarili naming sana nagjeep na lang. kame. Hahahaha. Imba. :)
Bago sumakay ng van, kumaen muna kame ng McDo. Muntanga lang. Nakapila kaming 3 pero iisa lang yung mga inorder namin: regular fries at coke float. habang kumakaen kami, naisip namin bigla na sa na sinabaysabay na namin yung pagorder. Hahaha. Mga wala ata kami sa sarili eh? :) Tas nga pala, bumili ako ng bagong sim na TM :D para mas mura yung load.
After nun, sumakay na kami sa van. Haha. Nothing much to say. Except for di ako makatanggap ng mga text ni Coco >.< Nung nasa Molino na kami, bumuhos bigla yung ulan. Lakas. Galet? Haha. Sa huli, kahit nagcut ako, ginabi pa rin. Ganda diba? :) >.<
Pagalingan na lang sa pagtatago :>
Sorry na lang, kung mahuli man kita.
At kung mangyari man yon, wag ka na magkaila.
Huli sa akto, nakikita sa gawa, nahahalata sa salita.
Ang boring din pala kapag hindi ako nakakakiat ng posts mo >.< Mejo nawalan na nga thrill buahy ko eversince inunfollow kita. Haha. Ewan, inunfollow nga ba kit? O.o wla kong matandaang ganun eh. Kya pala hindi na ko nakakakita ng posts mo, lol. Last night ko lang nalaman. Pati ako inunfollow mo na rin, haha. Oh well, whatever it is. :)
But it’s still okay. At least ngayon, I’m not anxious anymore seeing your posts in the Dash. ‘Cause when you post something, whatever it is, photo post, text post, chat, link, cover… Every time I see something from you, laging may impact. Yung tipong kinakabahang ewan? Gets mo? Basta. Ewan ko ba. Eh alam ko kasing anjan ka, na online ka sa Tumblr… Ayun siguro.
Heyy. I forgot to mention. I’m not obsessed anymore sa blog moooo. Hahahaa :) Improvement na sakin yun. Now I’m indifferent towards you. :3
Napanaginipan ko yung crush ko na ka-schoolmate ko din. Dun sa panaginip ko, nasa may AB pav kami dun sa USTe. Tapos, parang galing kami sa library (di ko na masyadong maalala eh si *toot* lang kasi yung malinaw. HAHA.). Then ayun nga, habamg naglalakad kaming grupo, tumabi siya sakin habang nakatayo ana then may ibinulong siyang talagang ikinagulat koooo. Sabi niya:
R**: I love you so much! Kaye: HA?!?!?!?! Ang nakakatawa pa nito, after ko marinig nun, nahimatay daw ako ng bongga. Seryoso. bumagsak daw ako sa concrete o.O ang wirdo talaga. Pero mga saglit lang ako walang malay sa panaginip ko. Pagkatapos nun, nagising ako na nakahiga dun sa upuan sa mismong pav. nandun pa rin sa *toot*! AY! :)) Haha, tapos nun, wala na kong matandaang nangyari :| except sa lagi na niya daw akong tinetext. :D Eto pa, ang sosi daw nung phone ko, may stylus pa! Hahaha :))) Yun nga lang, sabi nila, ang panaginip daw, kabaligtaran ng katotohanan. Yun laaaang :) Kaya ko lang siguro siya napanaginipan kasi these past few days lagi ko siyang nakikita. Including kahapon. LOL. Eh basta, okay na yung kahit sa panaginip narinig ko yun galing sa kanya. :)) Pero, hindi naman ako inlove dun. Sows. :) Fleeting crush lang to. Hindi naman siya ganun ka gwapo eh, charming siya kaya ayun.. maganda yung mata then yung smile. Noks! :D Haha yun lang, share ko lang :))
Superfriend and I were walking beside the road and suddenly we saw something like this:

Capital Snake. Haha. Tigok. Kadiri daw ako sabi ni GabGab. LOL. Pero oo, kadiri nga naman. :>